|
Si Jandra (Jolina Magdangal) ay isang manunulat ng librong Lovestruck na nagbibigay ng payo sa mga teenager ukol sa pag-ibig bata, romansang pang-teenager at iba pa. May lihim na pagtingin si Caloy (Mark Herras) sa kababatang si Denise (Jennylyn Mercado) na may gusto naman sa balikbayang si Jason (Mike Tan). Samantala, ang matalik na kaibigan ni Denise na si Cholo (Rainer Castillo), isang homosekswal, ay may gusto naman sa kaibigan ni Jason na si Lloyd (Kirby de Jesus). Ginagamit niya ang kanyang kababatang si Jojo (Yasmien Kurdi) upang magpanggap na lalaki at malapit kay Lloyd hanggang matuklasan niyang si Jojo pala ang mahal niya. Upang makuha ang atensyon na kani-kanilang pinagkakagustuhan, gagamitin nina Denise at Cholo ang mga payo ni Jandra sa kanyang libro. Masasabing walang gaanong hirap ang ibinuhos sa aspetong sining: malabnaw ang kwento at napakababaw ng ibinabahaging pag-unawa ng director. Nakakatawang nakakainis ang pagganap ng mga teenager na bida, kung hindi OA tulad nina Mercado at Castillo, walang kabuhay-buhay naman tulad nina Tan at Kurdi. Lunod na lunod ang mga baguhang ito kapag sinabayan ng mga beteranong sina Gina Alajar at lorna Tolentino sa eksena. May magandang konsepto sana sa paglalagay sa tauhan ni Jandra bilang love guru na pasulpot-sulpot na nagbibigay payo subalit tila nalito ang mga manunulat kung alin ang gagawing pangunahing magbubuklod sa kwento ? kung si Jandra na tila may omnipotent presence sa istorya o ang kwento nina Denise at <b>...</b> |
Views:
4485
6
ratings |